Philosophical Articles (An Output in Bioethics)



Ang Bagong Teknolohiya: Makatutulong o Makasasama?

[Isang pagsusuri hinggil sa kabutihan o kasamaang idululot ng HUMAN GENOME PROJECT]
By: Von Marc Lorenz M. Barredo

            Sa mundo, hindi natin maiiwasan ang pagbabago. Sabi nga ni Hereaclitus, isang pilosopo sa panahon ng Antiquity, “Ang lahat ay nagbabago at lumilipas. Dati rati, ang mundo ay simple lamang. Walang pang kuryente noon. Ang tao ay pumapasok na sa loob ng kanilang bahay kapag kumagat na ang dilim. Sila ay namamahinga na. Subalit, ibang iba na ang takbo ng panahon ngayon. Sa dami na ng mga naiimbento ng mga tao, nagiging komplikado na ang maraming bagay. Sa aking paniniwala, kaya nag-iimbento ang tao ng makabagong paraan ng pagtuklas ng kaalaman sa pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya ay upang mapadali ang pamumuhay ng tao. Subalit ito ba ay tunay na nakatutulong o nakapeperwisyo? Malalaman natin ang kasagutan maya maya habang patuloy tayong nag-uusap tungkol sa isang isyu: “The Genome Project.”

Ang The Genome Project, ayon sa aking pananaliksik ay nabigyan ng kaganapan noong 2003Ito ay isang 13-taon na proyekto na sinimulan ng National Institutes of Health (United States)Sa unang mga taon ng HGPang Wellcome Trust (UK) ay naging isang pangunahing kasosyo at ang karagdagang kontribusyon ay dumating mula sa JapanFranceGermanyChina, at iba pa. Iba’t ibang bansa ang naglalayon na ilunsad ang proyektong ito. At noong Setyembre 1990, natuklasan na mayroon palang limanlibo(5000) o higit pa sa genes ng isang tao, at ang iba pang genes sa ilang piling parte ng chromosomes ng isang tao (McKusick,1990).

 Layunin ng proyektong ito na Makita ang lahat ng Humigit kumulang 20,000-25,000 gene DNA ng tao at matukoy ang pagkakasunud-sunod ng 3 bilyong mga pares ng base ng kemikal na bumubuo sa DNA ng tao (Watson, 1990). Layunin din na iimbak ang impormasyong ito sa mga database ng computer para sa madaling paghahanap nito. At ano ang dahilan kung bakit gusto nilang tuntunin ang DNA ng isang tao at manipulahin ang genes ng isang tao? Sabi ng ilang artikulo, ang HUMAN GENOM E PROJECT ay makatutulong upang malaman kung ano ang posibleng magiging sakit ng isang tao. Sa tulong ng HGP, maiiwasan na ng tao ang pagkakaroon ng mga malulubhang karamdaman gaya ng kanser, diabetis at iba’t iba pang uri ng sakit na natutunton sa pagsasaliksik at pagsusuri sa genes ng isang tao. At dahil dito, mapabuti at mapapadali ang mga kagamitan sa pagsusuri ng data. At dahil sa mga bagay na ito, magkakaroon ang proyektong ito ng siyentipiko, medical, sosyal, ekonomikal, at higit sa lahat, etikal at legal na implikasyon.

At dahil ang asignaturang ito ay patungkol sa bioethics, hayaan ninyong pagtuunan natin ng pansin ang ethical at legal na isyu na maaaring lumabas dito sa Human Genome Project. Sabi sa unang bahagi ng artikulong ito, “nag-iimbento ang tao ng makabagong paraan ng pagtuklas ng kaalaman sa pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya ay upang mapadali ang pamumuhay ng tao. Subalit ang makabagong teknolohiyang ito ba ay makapeperwisyo o makatutulong sa buhay ng tao. At titingnan din natin kung ang proyektong ito ba ay makakaapekto sa moralidad ng buhay ng isang tao.

Una, ating talakayin: ano ba ang moralidad (Ethics sa Wikang Ingles)? Ang Ethics o Moral Philosophy ay ang patuloy na pagsisikap ng tao na alamin ang ating sariling gawa, kung ito ba ay magiging mabuti o masama. At ito ay dapat na naka base sa obhektibong panukat (Objective standard) para mas maging  makabuluhan ang buhay ng tao (Velasquez, et.al.,). Sa madaling sabi, kaya mayroong Moral Philosophy o Ethics, ay upang mabatid ng tao kung kailan nagiging mali o tama ang kanyang mga ginagawa. Kaya nga, titingnan din natin kung papasa ba ang HUMAN GENOME PROJECT sa ethical o moral na panukat o standard.

Sabi ni Santo Tomas ng Aquino sa kanyang Summa Theologiae, ang Natural Law daw ay ang pakikibahagi ng mga rational creatures sa Eternal law. (I-II.94) At, ano ang eternal law? And eternal law ay ang Kaalaman ng Diyos, ang batas na nagsasabing ang Diyos ang lumikha sa lahat ng bagay na umiiral na siya ring may akda ng kapupuntahan at kahihinatnan ng lahat ng mga ito Kaya kung ang Diyos ang lumikha at nagtadhana sa buhay ng isang tao, bakit mayroong makabagong paraan ng pagtuklas ng sakit sa pamamagitan ng HGP? Sabi, maaaring imanipula ng isang mahusay na scientist ang genes ng isang tao upang maiwasan ang pagkakaroon ng malubhang karamdaman. Sa madaling sabi, susuriin, pag eexperementuhan ang buhay ng isang tao. Nararapat ba ito? Hindi ba nakakasama ito dahil mayroong pagnanasang baguhin ang struktura ng pagkakaayos ng genes ng isang tao? At isa pa, ano ang karapatan nating baguhin ang lahat ng natural na proseso na nangyayari sa buhay ng isang tao gayong ang Diyos ang ang may kalooban na mangyari ito? Ngayon, magkakaroon tayo ng dilemma sa isyung ito. Oo, maaaring mabuti ang HGP dahil nga matutuklasan ang pamamaraan para matunton ang sakit na maaaring dumapo sa isang tao at mapigilan ito. Subalit, kung titingnan natin ang ethical at legal issues ng HGP, makakasama ito dahil ang ilang mahuhusay na scientists ay mamanipulahin ang genes ng isang tao na hindi dapat mangyari dahil igagalang dapat natin kung paano niloob ng Diyos na likhain at itadhana ang buhay ng isang tao.

Kung kayo ang papipiliin, ano ang gagawin ninyo, hayaang mangyari ang lahat ng natural naproseso sa buhay ng tao, o imanipula ang genes ng isang tao para maiwasan ang malubhang sakit. Ang isyung ito ay maaari nating pagtalunan. Kung makikita natin, mabuti ang HGP dahil maraming maitutulong ito sa buhay ng tao? Ngunit ano ba ang mas mabuti? Lagi nating tatandaan na ang mayroong mabuti, mas mabuti, at pinakamabuti. Umaasa ako sa inyong sagot sa mga hamong ibinibigay sa inyo ng papel na ito. Pagpalain kayo ng Diyos!

Mga Sanggunian:

Victor McKusick, Mendelian Inheitance in Man (on line computer) Baltimore: John Hopkins University Press 1990.

James D. Watson, The human genome project: past, present and future’, Science 248 , 6th April 1990, 44-49.

Fox, J. (1910). Natural Law. In The Catholic Encyclopedia. New York: Robert Appleton Company. Retrieved February 11, 2017 from New Advent: http://www.newadvent.org/cathen/09076a.htm

Mga Online References:


Comments

Popular Posts