Philosophical Articles (An Output in Bioethics)


“Ang Problema Ukol sa Kabaklaan”

Isa sa mga problema ng ating bansa ngayon ay ukol sa problema ng kabaklaan o homosexuality. Sa pahinang ito, ipapakita ko o ipapaliwanag ko kung ano ang problema ukol sa problema ng kabaklaan sa ating bansa. Dagdag pa, ipapakita din na ang kabaklaan ay hindi natural o normal sa isang tao na umiiral sa isang pamayanan o komunidad (McDonald, 1990).
Ang kasarian ng isang tao ay mahalaga. Dahil sa kasarian ng tao, naipapakita ang kabuan ng isang tao at ito nagpapakita ng pagkakaiba ng tao sa kapwa nya tao. Ang natural o normal na kasarian ng tao ay lalaki at babae. Ito ay nasasabing natural o normal sapagkat ang lalaki ay para sa babae at ang babae naman ay para sa lalaki. Ang kabaklaan ay ang malalim na relasyon ng isang tao sa kapwa na kaperahas niya kasarian. Ang konsepto ng kabaklaan ay hindi lamang naaangkop sa mga lalaki. Bagkus, nakabahagi din ito sa konspeto ng kakabaihan sa pagrerelasyon sa kapwa babae (Steinhorn, 1990).
Ang terminolohiyang kabaklaan o homosexuality ay nanggaling sa salitang Griyego na homos, ang ibig sabihin ay isa at kamukha o kahalintulad.
Dati-rati, ang problema ng kabaklaan ay hindi kapansin-pansin. Pero ngayon, ito ay umaalingaw-ngaw dahil sa pakiki-alam sa ibat-ibang bahagi ng buhay lalo na sa buhay-politikal. Ayon kay Mcdonald (1990), isang psychologist, ang pagiging bakla ay ang pagkakaroon ng hindi tamang pagiisip sa kadahilanan na ang tao ay hindi umaakto sa kanya natura bilang isang lalaki o babae. Subalit, wala pang aral na ang pagiging bakla ay nakukuha sa genetic. Sa panahon ngayon, ang pagiging bakla ay pinapayagan o tinatanggap at may mga batas na tumutolong sa problema ng kabaklaan. Subalit, dalawa lang ang kasarian ng tao. Mula sa proseso ng panganganak ng isang ina, nagkakaroon na ng pagkakaiba ang kasarian ng tao. Ito ay maaring lalaki o babae at wala ng iba. Kaya ipipinapakita nito na ang normal na kasarian lang ng tao ay ang lalaki at babae. Dagdag pa para mabigyan ng patunay na dalawa lang ang kasarian ng tao, ang tao ay mayroong ari na nagbibigay ng pagkakaiba ng lalaki sa babae (Bachmann, 2012).
Bilang normal, ang katawan ng tao ay naka-disenyo sa heterosexuality (Williams, 1978). Pero ito ay binibigyan ng kulay at sinasabi na hindi ito totoo, normal, at natural sa kasarian ng isang tao. May mga taong nagsasabi na ang pagiging bakla ay natural o normal sa isang tao. Bilang diin sa kanilang sinasabi, ang pagiging bakla ay nakukuha pa lamang noong sila ay iniluwal ng kanilang mga ina. Subalit, ayon sa pagaaral, ipinapakita na ang kabaklaan ay hindi normal dahil ito ay hindi nakukuha sa pagkaluwal ng isang tao bagkus ito sa nakukuha sa impluwensya ng paulit-ulit na pag-gawa ng gawaing pambabae at pagkokondisyon ng sarili na nagbibigay ng pangsariling katangian ng isang tao na hindi normal o natural. Halimbawa, walang taong pumili na malululong at magkaroon ng adiksyon sa paginom ng alak. Pero dahil sa paulit-ulit na pag-inom na alak, nasasanay ang katawan ng tao, kaya ito ay hinahanap hanap nang katawan pero hindi ito sinasabi na normal o natural sa isang tao dahil ito ay pag-abuso ng sarili.
Ang respeto sa isang tao ay nagsisimula muna sa pagrespeto nya sa kanyang sarili. Kapag ang sarili ay hindi nya kayang igalang o bigyang galang, hindi siya kailangan umasa na igagalang siya ng ibang tao sa kanyang komunidad na kinabibilangan. Ang hindi paggawa ng hindi naayon sa kanyang kasarian ay hindi natural sa isang tao. Ang lalaki ay dapat gumalaw bilang isang lalaki at babae naman bilang isang babae.
Bakit hindi tinatanggap ang same-sex marriage o pagkakasal sa dalawang tao na parehas ang kasarian? Ang kasal ay ang pagsasama ng lalaki at babae. Ang tanong, Bakit lalaki at babae lang ang puwedeng ikasal at hindi parehong kasarian? Ang kasal ay ang pagsasama ng lalaki at babae na ang hangarin ay magkaroon at magbunga ng anak. Dito sinasagot na ang kasal ay para lamang sa lalaki at babae at hindi para sa mga bakla dahil walang kakayahan na magkaroon ng anak ang isang bakla o homosexual. Kaya dito, binibigyan ko ng diin na ang pagsasama o kasal ay para lamang sa isang lalaki at babae. Ang pagtatalik ng dalawang tao ay may isang hangarin, ang magkaroon ng supling o anak, kaya hindi ito naaangkop para sa dalawang tao na magkaparehas ng kasarian (Scanzoni, 1998).
Hindi kagaya sa ibang bansa, ang kabaklaan o homosexuality ay tanggap sa lipunan bilang isang normal o natural na pamumuhay. Ang ibang bansa ay nagbibigay diin sa konsepto ng kalayaan ng isang tao kaya ang kabaklaan ay naging natural o normal sa kanila. Dito sa Pilipinas, hindi natin ipinapasa ang mga batas na nagbibigay pabor sa kabaklaan dahil ito ay higit na kontra sa tamang pamumuhay ng isang tao. Bilang isang lalaki, kailangan niyang umakto ng isang lalaki. At bilang isang babae, kailangan niyang umakto bilang isang babae.
Bilang pagtatapos ng aking pagninilay ayon sa problema ng kabaklaan sa kasalukuyang panahon, ang bawat isa ay may kanya-kayang gampanin sa komunindad. Kaya ang kasarian ay importante sa isang tao. Ito ang nagbibigay ng pagkakaiba niya sa lalaki o babae. Bawat isa ay mayroon sariling identity na nagbibigay pagkakaiba o uniqueness. Lahat ng bagay sa mundo ay umaayon sa isang order at ito ang batas sa kalikasan (Brom, 2004). Ang batas na ito ay hindi nababago. Ito ang nagbibigay ng kahulugan ng pagiral ng isang bagay sa mundo. Ipinapakita din nito na kung bakit hindi puwedeng baguhin ang isang bagay lalo na ang kasarian ng isang tao. Ang lalaki ay lalaki lang at ang babae ay babae lang at dalawa lang ang kasarian ng tao.

Sources:

Brom, R. (2004). Homosexuality. Retrieved February 12, 2012 on http://www.catholic.com/tracts/homosexuality

Facts about Homosexuality and Mental Health. Retrieved February 19, 2012 on http://psychology.ucdavis.edu/rainbow/html/facts_mental_health.html

McDonald, H., & Steinhorn A. (1990). Homosexuality. New York: The Continuum Publishing Company, Inc.

Nosotro, R. (2003). A History of homosexuality. Exposing the Myths and Facts about Homosexuality. Retrieved October 03, 2012 on http://www.family.org/cforum/fosi/homosexuality/maf/a0028248.cfm

Robinson, B. (2011). Homosexual Orientation. Retrieved July 12, 2012 on http://www.eauk.org/

Scanzoni, L., & Scanzoni, J. (1988). Men, Women, And Change. United States of America: McGraw-Hill, Inc.

Williams, D. (1978). The Bond That Breaks. Will Homosexuality Split the Church. Gospel Light Pubns; First Printing edition.

Comments

Popular Posts