Philosophical Articles (An Output in Bioethics)


Ang Kapitalismo at ang Epekto nito sa Industriya ng Parmasyotika

Sa diwa ng kalalagayan ng pangkasalukuyang panahon. Ang bagong henerasyon ng paglago ng kaisipan ng tao

By: Sem. John Rowell T. Obligado

Layunin: Maintindihan at maisabuhay ng mambabasa ang aral mula sa artikulong ito.

Ipinapahiwatig ng papel na ito bilang isang artikulo na magkaroon ang mga tao ng mas malalim na pagtanaw sa buhay. Ano nga ba ang kahulugan ng buhay? Saan patungo ang buhay? At paano mamumuhay?

Ang kalalagayan ng ekomomiya ngayun sa buong mundo ay kadalasang masasaksihan sa istado ng pagbaba at pag taas ng mga presyo ng produkto mula sa partikular na lugar. Ito ay nakadepende sa pamumuhay ng mga tao sa isang lugar. Halimbawa nalang ang pagsuma ng mga tala ayun sa pagbaba o pagtaas ng presyo ng mga pagkain tulad ng mga gulay, karne, langis at iba pa. Sa ating mundong kinagagalawan sa ngayun napakadaming sistemang umuusbong na may layuning magpaunlad ng iilan lamang. Kadalasan ang mga sistema ay nakaugat sa panlalamang at pandaraya sa ibang tao lalo na ang mga mahihirap at kapos sa edukasyon. Marami sa mga sistemang ito ay may nakakubling mabuting layunin kaya’t maraming mga taong natutukso sa hamon ng makasarili at makamundong pamumuhay (Moga, 2004.)

Subalit ano nga ba ang nagpapaganap sa isang tao. Ayun kay Jean Paul Sartre ang tao ay hindi lamang umiiral sa kanyang sarili, siya ri’y umiiral para sa kanyang sarili. Sa makatuwid, ang tao ay siyang gumagawa ng kanyang buhay siya ang nagtatakda kung paano at kung ano ang mangyayari sa kanyang buhay (Timbreza, 2000.) Samantalang ang tao ay may kalayaan para sa kanyang sarili siya ay dapat maging responsible sa bawat galaw ng kanyang buhay. Ang kanyang buhay ay magigiging ganap lamang kng siya ay may sariling pagtanaw sa kung ano ang makakabuti hindi lamang sa kanyang sarili kung hindi pati narin sa kanyang nakakasalamuha, sa kanyang kapwa tao. Siya ay nagiging ganap lamang kung siya ay magiging matuwid kung siya sa marunong magbigay sa kanyang kapwa kung ano ang nararapat (Diokno, 1987.)

Likas sa tao ang pagiging malapit sa Diyos kayat hindi maiaalis sa kanyang natura na maghanap ng Diyos na siyang pinakadakila na siyang kanyang pinagmulan. Ito ang pangunahing kadahilanan kung ano ang nagbubuklod sa mga tao. Kaya’t nagkaroon ng relihiyon. Ang salitang relihiyon ay nagsimula sa salitang griyego “religare” na ang ibig sabihin ay magbuklod. Ang mga tao aynagkakabuklod dahil sa isang paniniwala, paniniwala na mayroong Diyos na siyang lumikha ng lahat ng umiiral sa mundo. Sa kasalukuyang panahon ang mundo ay tila nahahati sa tatlong malaking relihiyon ang Kristyanismo, Judaismo, at Islam (Estioko 2008.) Ang artikulong ito ay magbabase lamang sa pang kasalukuyang kalalagayan ng mga nangyayari sa Kristyanismo at partikular ang nangyayari sa Katolisismo. Ang simbahan ay itinataguri na siyang tagapayo ng istado para sa moral na pamumuhay. Samakatwid, ang simbahan dapat ang nagpapaliwanag sa mga tao kung paano dapat mamuhay ng moral ang isang tao. Lalunlalo na ang mga taong kabilang sa simbahan.

Sa pangkasalukuyang panahon ang simbahan ay dumaranas ng isang problema problema kung paano ang tao ay matatauhan o magigising sa mas malalim na pagtanaw sa buhay. Ang simbahan ay tila baga nag kukulang sa pagpapaalala sa mga tao. Subalit, saang aspeto nagkukulang ito ba ay sa mga tao o sa simbahan?

Ang mga tao ngayun ay mulat na sa mga bagay bagay sa makamundong buhay kung kayat mula sa sarili nilang kakayanan sila ay umaasa at naghahanap ng sulusyon kung paano sila mamumuhay ng ganap (mula sa Katisismo para sa Pilipinong Katoliko.) Karamihan sa mga taong tumutuligsa sa simbahan ay naniniwalang hindi na nila kailangan ang Diyos sa kanilang pamumuhay kung kayat sila ay humihiwalay sa turo at alituntunin ng simbahan. Hindi sila naniniwala sa Diyos kaalinsabay ang hindi nila paniniwala sa simbahan na siyang gabay ng tao sa pagtanaw ng moral na pamumuhay. Kung kaya’t isa din sa mga layunin ng papel na ito na maihatid sa mga tao ang dapat nilang malaman tungkol sa moral na pamumuhay.

Sa puntong ito akin ngayung ipapaliwanag kung ano ang Kapitalismo. Ano nga ba ang Kapitalismo? Sa ating mundong kinagagalawan sa pangkasalukuyan laganap ang mga bagong sistema. Ang kapitalismo ay isa sa mga sistemang tumatakbo sa ating mundong kinagagalawan. Ito ay isang sistema na kung saan kahit ssino ay maaaring magkaroon ng kakayahang yumaman. Ito ay sistemang ekonomikal na base sa pansariling pagaari ng mga kalakal at mga paraan sa pagkuha ng kalakal at ito ay naglalayunin para makakuha ng kaukulang kapalit at ito ay tinatawag na tubo (Stumpf & Fieser, 2008.)Ang sistemang ito ay nakilala dahil sa ilang kilalang tao tulad nina Max Weber, Adam Smith, Karl Marx at iba pa. Sila ang mga taong kilala pagdating sa usapang pang ekonomiya. Ayun sa pananaw ni Karl Marx may dalawang dibisyon ang kapitalismo una ang klase ng mga mayari at ang pangalawa ay ang mga nagtatrabaho sa mayari (Price, 2008.) Ang pangunahing motibo at sa paggawa ng mga kalakal at pagbebenta ng kalakal ay upang magkaroon ng personal na tubo mula sa puhunang ginamit upang makapag labas ng kalakal.

            Ayun sa dokumento ng simbahan sa isa sa mga sulat ng dating Papa Leo ika-walo, ang tradisyunal na pamayanan ay nawawala na at mayroon ng bagong umuusbong na siyang tila bagang sumisira sa tao (mula sa ng dokumentong Poplorum Progressio ng Santo Papa Leo VIII.) Sa pangkasalukuyan nagkakaroon ng bagong pananaw ang mundo tungkol sa ekonomiya. Mayroong bagong kalayaan para sa mga tao subalit isa ring hamon para sa mga tao kung paano nila makikita ang buhay sa mas malalim na kahulugan sapagkat mayroong nabubuong bagong uri ng panlalamang, pandaraya at hindi makahustisyang pamumuhay.

            Isang mahusay na halimbawa nalang ay ang sitwasyon sa industriya ng parmasyotika. Ang industriya ng parmasyotika ay importanteng parte ng sistema ng pangkalusugan sa buong mundo. Ito ay binubuo ng maraming pampubliko at pribadong organisasyon na nag hahanap, nagpapalago, nagaalok at nag bibigay ng gamot sa mga tao at hayop (Gennaro 1990.) Itong industriyang ito ay malinaw na naglalayuning makatulong para magkaroon ng mahusay at maayus na kalusugan ang mga tao. Sa pamamagitan nila ang tao ay masmabilis na nakakahanap ng lunas para sa kanilang sakit at dinadamdam sa kanilang katawan at sa kanilang pisikal na pangangailangan tulad halimbawa ng mga bitamina na pangunahing pangangailangan ng katawan. Ang industriyang ito ay may malinaw na layunin para sa mga dumaranas ng sakit. Upang makatulong sa mabilis na pagpapagaling ng pasyente at mabawasan at mag karuon ng paunang lunas para sa sakit ng malubha man o hindi.

            Subalit, sa pangkasalukuyang panahon kailinsabay ang pagusbong ng bagong sistema sa mundo. Tila ang industriya ng parmasyotika ay nakulayan ng kapitalismong pagiisip. Ang tunay na layuning makapuksa ng sakit ng tao naging isang negosyong pagkakakitahan ng iilang tao lamang. Ang mga nagpapalakad ng industriyang ito ay nasilaw sa isang kaisipang pansarili. Ang layunin ay napalitan ng isang makakapitalismong kaisipan na makapag likha ng maraming gamot upang magkaroon ng mas maraming kita. Ang tunay na layuning makatulong sa mapabilis na paggaling ay napalitan ng kaisipang mabilis makakuha ng tubo. Sa ngayun, ang pangunahing interes ng mga taong nagpapatakbo ng parmasyotiko ay magkaroon ng mas malawak na pagsasaliksik upang magkaroon ng mga bagong pagmumulan ng sakit at upang makapaglabas ng bagong gamot at upang magkaroon ng mas malaking kita.

            Sa pangwakas, sa mga ganitong kaisipan saan na nga ba natin nakikita ang tunay na diwa ng pagtulong sa ating kapwa. Tutuo na maraming tao ang nangangailangan ng tulong subalit madami din ang nagiging mga nagiging mapagsamantala sa lipunan. Sa puntong ito, ang mga sulat ng Papa Benito XVI ay nagaanyaya sa bawat isa na magkaroon ng panibaong kaisipan tungo sa pagtanaw natin sa makamundong buhay. Paano nga ba tayo kikilos sa ating bagong miundong kinagagalawan. Ipinapakita ng mga sulat kung paano ba magkakaroon ng liwag ang ating buhay sa ating paglalakbay bilang isang taong inilagay sa mundong ibabaw. Isang malaking hamon para sa lahat na dapat ang tao ay maging bukas sa lahat ng kaisipan sapagkat kung magkakaroon ng pagbabago ito ay dapat magmumula sa sarili sapagkat kapag bukas ang sarili maaaring binibigyan natin ng pagkakataon na magbago ang lahat. Ang pagbabago ay nagmumula sa sarili.
 

Reference:

  1. Estioko, L. (2008). Philosophy of Education: A Filipino Perspective. Manila: Logos Publications, Inc.

2.      Price, J. A. (2008). Understanding Philosophy: Contemporary Thought. New York: Chelsea House Publishers.

3.      Stumpf, S. E., & Fieser, J. (2008). Socrates to Sartre, a history of philosophy (8th ed.) The McGraw-Hill Companies, Inc.

4.      Quito E. (2008) Fundamental of Ethics. 1672 Quezon Aveneu, South Triangle, Queszon City, C & E Publishing, Inc.

5.      Moga M. (2004) Toward Authentic Morality. Quad Alpha Centrum Bldg. 125 Pioneer Street, Mandaluyong City 1550.

6.      Tibreza F., (2000). Quest for meaning.

7.      Diokno, J., (1987) A Nation for Our Children, Q.C., J.W. Diokno Foundation.

8.      Katesismo para sa Pilipinong Katoliko.

Comments

Popular Posts